Huwebes, Marso 22, 2012

Ang Kwento ng Matabang Prinsesa

Ang Matabang Prinsesa

Mahirap maging mataba..
Lahat ng tao laging titingin sayo lalo na pag kainan.
Kahit di ka naman malakas kumain, ikaw pa din ang titingnan.

Sa mall, madami kang gusto..
Pantalon, damit, dress..
But, sad to say, kailangan mo ng extra large na sizes.
Pag sinwerte ka, maeron ka..
Pag wala, hanggang tingin ka na lang.

Mahirap din talaga maging mataba..
Pati crush mo, halos maluwa luwa sayo.






Ako nga pala si Victoria, ang MATABA.
They call me VICKY, VIC, BEK oh kung anu anu pa na gusto nilang itawag sa akin.


Off to school..




Sa jeep..


Vic: Manong, bayad po. Kuya, paabot naman po.
(si kuya, halos walang marinig..)


Inabot ko nalang yung bayad kay manong driver.



Maya maya, may sumakay.. SEXY. MAPUTI. MUKHANG MAYAMAN.


Maganda: Kuya, bayad po.

(Si kuya na hindi umiimik kanina ay maaga pa sa alas dose kung makaabot ng bayad.. )




See the difference?


(to be continued..)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento